0

Iba't ibang Klase ng Teacher sa Isang Paaralan (2nd Edition) 

Posted by Emmanuel Herrera Villariña sa Deped Tambayan FB Group


1. CCTV: Yung tipong aapak pa lang ang paa mo sa may bandang gate ng paaralan ay activated at naka-monitor na at titingnan kung saan ka pupunta. (E ikaw kaya nasaan ka ng time na ikaw naman ang nawawala?)

2. BUNDY-CLOCK: Yung pagkakita pa lang sa'yo ang susunod niyang titingnan ay ang kaniyang relo. (Feeling masyado, hoy nala-late ka din naman!)

3. THRASHCAN: Mahilig mangolekta ng may baho ng may baho at ipagsasabi sa iba lalo na sa principal para mapasama ka lang. (Wow, masyadong malinis as if wala siyang baho. Magbilangan kaya tayo ng "mga pagkakamali mo" o much better "kung ilang beses kang lumipat sa ibang classroom")

4. COPIER: Yung may makita lang sa iyong bagong gamit kinabukasan mayroon na din siya. (Edi wow! Gumawa ka naman ng sarili mong identity teh napaghahalata ka na!)

5. CASHIER: Napakagaling sa pagtitinda. (I-share mo naman ang God-given talent mo!)

6. PAPER: Masyadong nanghihimasok sa buhay ng may buhay. (In-short epal lang, wala sigurong ginagawa. Maggawa ka na lang ng IM's mo at hindi ibang guro ang tinitira mo.)

7. POINTER: Tagaturo ng mga pasaway na guro pero siya kapag nagkamali tikom ang bibig. (Hoy, nabuking ka na! May pa-poison poison letter ka pang nalalaman.)

8. SILENCER: Napagaling sa pagdidisiplina ng bata e ang tanong ang pagtuturo mo teh, kumusta?

9. TUPPERWARE: Yung tipong ang bait bait kapag nakaharap sa'yo pag talikod mo, goodluck. (Pashnea ka! Na-impluwensiyahan ka na naman ng mga hator sa paligid.)

10. WALKALATOR: Lagi kasing nawawala at hindi ko alam kung saan nagpupunta. (Itanong mo kay CCTV, alam niya kung saan siya nagpupunta, 100% reliable pa ang source.)

11. SLICER: Taga-slice sa mga taong hindi nila feel. Yung i-a-out of place ka at iimpluwensiyahan pa ang iba na gawin yung ginagawa nila. (Haha, hindi ko din kayo feel, eversince.)

12. STRAW: Umaga pa lang nakasiksik na, orasan mo at mas marami pa ang time niya sa pagsipsip kaysa sa pagtuturo. (Mag-resign ka na lang kaya sayang lang ang item mo.)

13. NOTEPAD: Yung tipong ire-remind ka sa mga dapat mong gawin bilang isang mabuting guro pero ang usapan ninyo ay sa inyo lamang dalawa at hindi ka niya kailanman ipapasama.

14. KOMIK BOOK: Pampa-good vibes. Pantanggal ng stress laban sa mga Hathor. Walang paki-alam sa kanila. At minsan siya pa ang nang-i-stress sa kanila. (Bwahaha)

15. SECURITY DEPOSIT BOX: Taga-tago ng papers mo para masabotahe ang "wrongking" mo. Kadalasan nangyayari tuwing mag-wro-wronk ng teachers. (Sana kapag na-promote na kayong mga Hathor, kami naman!)

16. ILAW: Sa sobrang liwanag kinatatakutan ng lahat dahil sa kaniyang tuwid na daan. (Aba, kahit ako dito ako papanig).

17. FIRE ALARM: Taga-sabi sa ibang guro na maghanda at papadating na ang principal na mag-o-observe. (Yung tipong nagkakanlalaglag na ang dala niya pag-wa-warning sa iba)

18. INVISIBILITY CLOAK: Nawawala every Wednesday. (Saan ka kaya nagpupunta e oras ng klase mo? CLUE: SM-Sa Muslim!)

19. MEGAPHONE: Mega-galing pa ba sa kaniya ang peg niya! (Ewan ko sa'yo, deserve mo ang Clap na Pangmayaman)

20. CHALK BOX: Hindi nauubusan ng chalk. (Hoy Bes, mag-Manila Paper ka naman. Sayang ang supply mo).

READ Original Post Here > Version 1, Version 2

DISCLAIMER: Ang mga nabanggit ko po ay pawang obserbasyon ko lamang. Kung ako man ay nakasakit sa inyong damdamin "I MEAN IT" at doon po sa tinamaan at alam mo sa sarili mo na hindi mo naman ako kailanman hinila pababa, CHILL ka lang. Hindi ikaw ang tinutukoy ko.

Post a Comment

 
Top