0




Walong oras kada araw o 40 oras kada linggo ang karaniwang bilang ng oras ng trabaho ng manggagawang Pinoy. 
Pero ang nakasanayang limang araw na trabaho kada linggo, posibleng mapaikli kung maipapasa ang panukalang batas na layong dagdagan ang oras ng trabaho kada araw para mapaikli naman ang bilang ng araw ng trabaho.
Nakasaad sa panukala na hindi mababawasan ang 40 oras kada linggong trabaho. Dadagdagan lang ang karaniwang walong oras na trabaho kada araw.

PANOORIN ANG KABUUAN NG BALITA
Lusot na ang panukala sa labor and employment committee ng House of Representatives. 
Sunod nang pagdedebatehan sa plenaryo ang panukalang batas.
Pero ang isang grupo ng employers sa bansa, may alinlangan sakaling maisabatas na ang panukala. Baka raw kasi makaapekto ito sa operasyon ng kanilang mga kumpanya.
Ikinatuwa naman ng ilang manggagawa ang posibilidad na maging batas ito dahil kapag nagkataon, makakamenos na sila sa pamasahe at magkakaroon pa ng dagdag na isang araw na pahinga.
-- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Post a Comment

 
Top