0
 PRC humingi ng paumanhin, CPD held in abeyance

Ulat at ilang tala hinggil sa nangyaring pagkilos sa PRC at pakikipag-usap sa kanilang mga opisyal, March 31, 2017

READ SOURCE >> OFFICIAL STATEMENT

Kasabay ng kilos-protesta na inilunsad ng Alliance of Concerned Teachers, ACT Teachers Partylist at ACT NCR Union, nagkaroon rin ng dialogue. Humarap sa nasabing dialogue sina PRC Commissioner at CPD Oversight Head Yolanda D. Reyes, CPD Program Head Gerard B. San Victores, Board of Professional Teacher Chairperson Rosita L. Navarro at Board of Professional Teacher Vice-Chairperson Paz Lucido.

Humarap naman sa bahagi ng ACT sina ACT Chairperson Benjamin Valbuena, Secretary-General Raymond Basilio, ACT NCR President Joselyn Martinez, ACT NCR Treasurer Vladimer Quetua, QCPSTA President Mabelle Caboboy, ACT Caloocan President Rosario Ayque, MPSTA President Louie Zabala at ilang pang mga lider ng ACT mula sa iba’t ibang Divisions ng NCR.
Kasama din natin ang mga kinatawan ng Alliance of Health Workers.
READ ALSO

ISANG TAGUMPAY

Muli nating inihapag ang ating posisyon na ang CPD ay isang karapatan at ito ay isang serbisyo na dapat ay ipinagkakaloob ng pamahalaan sa lahat ng mga professionals. Ito ay pagtalima sa mga probisyon ng Konstusyon at maging sa Magna Carta of Public School Teachers. Naging mainit ang pag-uusap hinggil dito subalit umaabot din ito sa pagkakaisa sa pagitan ng ACT at PRC na ang CPD ay isang karapatan at hindi ito dapat maging dagdag pabigat sa mga guro at sa mga professionals.

1. Inirehistro natin ang kakulangan ng PRC na maging kabahgai tayo at ating mga regional unions sa mga consultations na kanilang isinagawa. Inilinaw natin na tanging ACT ang organisasyon ng mga guro na nakalatag sa buong bansa na rehistrado at ang ilang mga rehiyon pa nga ay accredited at may katayuang “sole and exclusive negotiating agent” ng mga rank-and-file teachers. Humingi ng paumanhin ang PRC at nangakong sa mga susunod na konsultasyon ay titiyaking maging kabahagi nito ang ACT.

2. PAGKILALA SA EXISTING CPD PROGRAMS NG DEPED. Umayon ang PRC na maglalabas sila ng isang resolusyon na magtatakda sa AUTOMATIC RECOGNITION ng PRC sa mga CPD Programs ng mga government agencies gaya ng DepEd at nagtatakda sa mga government agencies na magbigay ng sapat na CPD programs sa kanilang mga empleyado.

Kabilang sa mga CPD Prgrams na ito ay ang mga In-Service Trainings (INSETS), LAC Sessions at iba pang mga trainings/seminars ng DepEd. Kailangan lamang dumaan ng DepEd sa proseso ng accreditation ng mga programang ito para sa monitoring ng PRC, subalit ito ay ministerial na lamang. Nakaatakda na ring makipagpulong ang Board of Professional Teachers sa pamunuan ng Department of Education para dito.

3. HINGGIL SA LIMIT NG CREDIT UNITS NA MAARING MAKUHA MULA SA SELF-DIRECTED AND/OR LIFELONG LEARNING. Ang ACT ay magsusumite ng isang sulat hinggil dito na naglalaman ng mga rason kung bakit hindi ito kailangang lagyan ng limit.

4. HELD IN ABBEYANCE. Habang hindi pa naisasaayos ang mekanismo ng pagpapatupad ng CPD sa hanay ng DepEd, wala munang implementasyon nito sa hanay ng mga pampublikong mga guro.

5. PRIVATE TRAINING CENTERS. Pinaabot natin sa kaalaman ng PRC na may mga training centers na nag-iikot sa mga rehiyon at ibinebenta ang kanilang mga training programs na may kaakibat na CREDIT UNITS. Inilinaw ng PRC na tanging ang CPD Council ang may karapatang magtakda ng CREDIT UNITS ng isang training o seminar na nagagawa lamang pagkatapos ng training o seminar batay sa MONITORING REPORT. Kung kaya ang ginagawa ng mga training centers na ito ay malinaw na panloloko. Kaugnay nito, maglalabas ng isang sulat at warning ang PRC hinggil dito.



Post a Comment

 
Top