0

SC orders income tax refund for minimum wage earners

The Supreme Court declares the pro-rated income tax rate implemented by the Bureau of Internal Revenue in 2008 as erroneous. This report tells us, the high tribunal has ordered a refund for minimum wage earners.

The high tribunal last month voided a 2008 regulation by the Bureau of Internal Revenue that disqualified minimum wage earners from availing of tax exemptions.

For minimum wage earners with a daily rate of P382 in 2008, the refundable income tax of P3,100 should be given once the decision becomes final, according to a sample BIR computation.

For those wit a monthly wage of P20,000 and single, the refundable amount is P43,750, according to the BIR. Those with at least one but not more than four dependents will likely get a larger refund. -- report from Alvin Elchico, ABS-CBN News


------------------------------------------------

Buwis na kinaltas sa mga minimum wage earner, kailangang ire-refund


Magandang balita para sa mga minimum wage earner na nakaltasan ng income tax noong 2008.

Ipinag-utos ng Korte Suprema sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na i-refund o ibalik ang buwis na kinaltas sa mga manggagawa na kumikita ng minimum na sahod mula July hanggang December 2008.

Matatandaan na sa bisa ng Republic Act 9504, na naging batas nuong June 2008, exempted o hindi na dapat patawan ng income tax ang mga minimum wage earners, pati na ang kanilang holiday pay, overtime, night shift, differential pay at hazard pay.

Para ipatupad ang batas, nag-isyu ang BIR ng Revenue Regulations No. 10-2008 kung saan sa halip na gawing exempted sa income tax sa buong taon ng 2008 ang mga minimum wage earner, ang saklaw ay ipinatupad sa nalalabing anim na buwan ng taon o mula July 2008.

Inalmahan ito ng grupo ng mga manggagawa dahil dapat anila ay full-year ang tax exemption.

Nakasaad pa sa BIR regulation na disqualified sa tax exemption ang mga minimum wage earner na tumatanggap ng bonus na lagpas sa P30,000.

Kinuwestiyon ito sa Korte Suprema nina dating Senador Mar Roxas, Senador Francis Escudero, at ng Trade Union Congress of the Philippines.

Sa 56-pahinang desisyon ng Korte Suprema na pinonente ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, pinawalang bisa nito ang bahagi ng BIR regulation na nagpapataw ng disqualification sa mga minimum wage earner na tumatanggap ng kompensasyon na lagpas sa P30,000, pati na ang probisyon nito na nagtatakda ng pro-rata na pagpapatupad ng tax exemption noong 2008.

Ayon sa SC, nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Department of Finance at BIR.

Mawawalan umano ng saysay ang intensyon ng Kongreso kung gagawin lamang na pro-rata o kalahating taon lamang ng 2008 ang tax exemption, gayong ang layunin ng batas ay makaagapay sa mga maliliit na manggagawa.

SOURCE: ABS-CBN NEWS

Post a Comment

 
Top