0

Tiniyak ng Malacañang na ''retroactive'' ang matatanggap na dagdag-sweldo ng mga kawani ng pamahalaan matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang executive order para sa salary hike.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, magiging epektibo na ang pagpapatupad ng kautusan kapag nailathala na ito sa lahat ng pahayagan.
Sa loob ng apat na taon, apat na beses mabibigyan ng umento sa sweldo ang mga kawani ng gobyerno.
   
Sa mga tumatanggap ng P9,000, tataas ito sa P9,478 sa unang buwanang sahod sa unang taon.

Aabot ito sa higit P11,000 pagsapit ng 2019.
Magbibigay din ng 14th month pay sa Mayo at magiging epektibo ang performance based bonus sa susunod na taon.
Binanggit din ni Coloma na mayroon ding paggalaw sa sweldo ng mga uniformed personnel.

Post a Comment

 
Top