2




READ ALSO:
P10K extra pay for public school teachers if Duterte-Cayetano wins in 2016



MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ng tambalan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano na madaragdagan ng P10,000 ang sahod ng mga pampublikong guro sa bansa sa susunod na taon kung sila ang mahahalal na presidente at bise presidente ng bansa.

Ayon kina Duterte at Cayetano, mas magi­ging masaya ang Pasko ng mga public school teachers sa susunod na taon.

Ang karagdagang P10,000 para sa mga public school teachers ay bukod pa sa umiiral na Salary Standardization Law (SSL).

“Tatapusin natin ang malulungkot na Pasko ng ating mga guro. Hindi dapat sila tinitipid at kinakaligtaan. Makakaasa ang ating mga guro ng matapang na solusyon at mabilis na aksyon para itaas ang kanilang mga sahod at iba pang benepisyo,” ani Cayetano.


Do You Have A Letter "M" On Your Palm? 
You've Got To Read This!


Binatikos ni Caye­tano ang panukala ng gobyerno na karagdagang P2,205 para sa entry-level position ng mga guro mula sa kasalukuyang P18,549 dahil nangangahulungan lamang ito ng 12% increase sa loob ng apat na taon o karagdagang P500 increase sa bawat taon.

Sinabi ni Cayetano na sa halip na ayusin ang compensation scheme para sa mga guro mas ibinabanderaa pa ang palpak na sistema ng pasahod kung saan kabilang ang mga public school teachers sa nakakatanggap ng pinakamaliit na sahod sa pamahalaan.

“This what Mayor Duterte and I want to end. We will restore the dignity of the teaching profession. No more cheapskate wage increases which do not address burdensome taxes, cost of living and living conditions in gene­ral,” ani Cayetano.

Ang panukalang pagdadagdag ng sahod ng mga guro ay bahagi ng Senate Bill 94 na isinusulong ni Cayetano.

Ayon kay Cayetano, mismong ang World Bank ang nag-validate sa kanilang pag-aaral noong 1998 na ang teaching profession ang maikokonsiderang “single most influential factor” sa performance ng mga estudyante.

Pero ang kasalukuyang “salary grade” umano na ibinibigay sa mga guro ay mababa at hindi naayon sa kanilang kuwalipikasyon.






MORE LINKS COMING UP. REFRESH THIS PAGE FOR UPDATES

For more downloads JOIN DepED Tambayan Official Facebook Group

To receive updates on top breaking headlines and current events related to Department of Education. please LIKE our Official Facebook Page 


Guide on how to find and download all what you need from our site.
> Click on the link of the file you want to download .Close all pop-ads that appear except adfly. 
> Wait 5 seconds then click "Skip Ad" and then the FILE will be shown and ready to download. . (important: have patience)
> Click download icon, the one that looks like arrow down

DISCLAIMER:
The admin and his writers do not claim ownership on the documents/photos/videos posted on our site, yet we personalize our contents or articles to give relevant and quality issues. 

Any item on our posts which may have unintentionally breached your copyright, please contact us immediately. We will take appropriate action to correct any inaccuracies or remove materials which are found to be inappropriate. You may contact us via e-mail at depedtambayanph@gmail.com, and all your copyrighted works will be taken down as soon as possible.Thanks for understanding. 


"BAKIT TAYO BIBILI, KUNG MAY LIBRE NAMAN SA DEPED TAMBAYAN."

Post a Comment

  1. If you are interested in earning money from your websites or blogs using popunder ads - you can embed one of the most reputable networks: PopCash.

    ReplyDelete
  2. Did you know that you can create short links with AdFly and make cash for every click on your shortened links.

    ReplyDelete

 
Top