0
SALARY INCREASE UPDATE FROM ACT TEACHERS PARTYLIST

This is the response of Executive Secretary Paquito Ochoa to the query of ACT Teachers Rep. Antonio Tinio on the status of the Salary Standardization 4 proposal.


Explanations to the status update on salary increase from the Office of the President (RE: Compensation Adjustment for Government Personnel—Please refer to the immediately preceding post)

1. Periodic review of the Compensation and Position Classification System- Ito ang matatagal na nating tinutulak sa administrasyon na pagrerebisa sa salary schedule para sa government employees na minamandato ng Salary Standardization Law 3 (matrix ng mga sweldo mula Salary Grade 1 hanggang 33, Step 1 hanggang 8 sa bawat Salary Grade).

Ayon sa SSL3, dapat rebisahin ito ng pamahalaan kada 3 taon simula 2012 tungo sa pagpapataas ng sweldo kasabay ng inflation o pagtaas ng halaga ng pera. NAITULAK ANG AQUINO ADMINISTRATION NA GAWIN ANG REVIEW NA ITO MATAPOS IPAGLABAN NI REP. TINIO ANG ISYUNG ITO SA BUDGET DELIBERATIONS NOONG 2013 AT BUHAT NA RIN NG MATINDING KAMPANYA NG MGA GURO AT KAWANI SA EDUKASYON PARA SA SALARY INCREASE.

2. Ayon sa opisyal na sagot na ito mula sa Office of the President, MAGKAKAROON NG SALARY INCREASES. Nirerekomenda ng DBM na magkaroon ng SSL 4 na gagawin daw in 4 annual tranches. Nauna nang sinabi ng mga opisyal ng DBM sa nagdaang budget deliberations sa Kongreso, buhat muli ng pagtutulak ni Rep. Tinio, na SISIMULAN ANG SSL 4 SA ENERO 2016.

3. “Salary increase at a weighted average of 27%”- Ibig sabihin ay ang average salary increase para sa lahat ng empleyado mula SG 1 hanggang 33 ay 27%. Weighted average = (increase para sa lahat ng empleyadong nasa SG 1 x bilang nila) + (increase para sa lahat ng empleyadong nasa SG 2 x bilang nila) + so on… ÷ 1.4 milyong empleyado.- Hindi po ibig sabihin nito na 27% ang pagtaas ng sweldo ng lahat. Sa mga nakaraang salary adjustments, hindi pantay ang salary increases para sa lahat ng kawani sa gubyerno. Kumpara sa mga nasa sub-professional level (SG 1-9, na may 28% hanggang 36% increase), mas malaki ang pagtaas ng sweldo ng mga may hawak ng professional positions (SG 10 to 24, na may 38% hanggang 100% increase) at pinakamalaki ang salary increases para sa mga nasa executive category (SG 25 hanggang 33, na may 71% to 142% increase).- Dahil hindi pa sina-submit ng Presidente sa Kongreso ang bagong SSL4 matrix na papalit sa SSL3, di pa rin tayo nakasisiguro kung magkano talaga ang increase para sa bawat SG. (“The DBM-endorsed proposal was received on 15 September 2015 and is currently being reviewed by this Office.”)

4. 3 uri ng bonus, ayon sa (b) hanggang (d)- Bonus po ang mga ito at hindi kasama sa sweldo (kaya di kasama sa pagbilang sa retirement o separation pay, etc.). Isa pa, ang PEI at PBB ay binabatay sa performance at iba-ibang requirements.


SOURCE: ACT PARTYLIST


Read related news from our sources


Post a Comment

 
Top